Batang Pinoy, Nag-uwi ng Gold Medal Matapos Magwagi sa Olympics of All International Math Contests!
Siya si Francis Deinmel R. Legaspi, isang mag-aaral sa ikatlong baitang sa SPED-G Kalayaan at kilala siya dahl sa husay nito sa matematika. Sa katunayan, nasungkit niya ang gintong medalya mula sa Special Education Center for the Gifted Kalayaan sa katatapos lang na 2021 World International Mathematical Olympiad o WIMO.
Itinuturing na "Olympics of all International Math Contests" ang WIMO FInals sapagkat ang mga tanging gold winners lamang mula Thailand International Math Olympiad, Hongkong International Math Olymiad, Big Bei Math Olympiad at Philippine Math Olympiad ang naimbitahang makasali rito.
Isa si Francis sa 474 na estudyante mula sa labinlimang bansa sa buong mundo ang nag-qualified na makipagtagisan sa talino sa larangan ng math.
Australia, Bulgaria, Cambodia, Egypt, Hongkong, India, Iran, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam ang mga bansang lumahok sa patimpalak.
Matatandaan na nakapag-uwi si Francis ng gintong medalya sa ginanap na 2021 Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area Mathematics Olypiad (Philippines Level).
Si Francis ang tinaguriang kauna-unahang mag-aaral mula Olongapo City at SPED-G Kalayaan ang nakapagtala ng "perfect score" mula sa World International Mathematical Olympiad.
Labis naman ang kasiyahan ng SPED-G at SDO Olongapo sa pangunguna ng Schools Division Superintendent Leilani S. Cunanan at ang alkalde ng lungsod na si Hon. Rolen Paulino, Jr.

No comments