Isang Lalaki, Nabiktïma ng Diumano'y "Zombie Attåck" sa Bukidnon!



Gaano katotoo ang balitang kumakalat patungkol sa zombie attåck na nangyari sa Bukidnon?

Nag-viral kamakailan sa social media ang larawan ng isang lalaking sugåtan matapos siyang sugurïn at atåkihin ng suspëk. Ani ng biktimang si Anthony Arimas, 30-anyos, kinagåt umano siya ng isang lalaki sa mata at kamay at sinisipsip ang dug0 mula sa sugåt ng biktima. Tinusok ang kanyang mata dahil nais umano ng suspëk na kainin ito.



Mabuti na lamang ay nakaligtas si Anthony nang saklolohan siya ng kanyang mga kapitbahay.

Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Michelle Olaivar, tagapagsalita ng Police Regional Office 10 (PRO-10), "Ayon sa description pula ang mata, nanlilisik at nakatingin sa kanya na parang gålit."

"Siguro dala na rin ng takot sinubukan ng biktima na tumakbo ngunit naabutan pa rin siya ng suspek kaya pinatungan siya, kaya nag-struggle dahil dinudukot ang kanyang mata at hinihigop pa ng suspek," dagdag pa niya.




Ani ng pulisya, wala umnong katotohanan ang "zombie attåck" dahil kalalabas lamang ng suspëk mula sa rehab.

"Walang zombie. Ang nangyari ay may isang tao na medyo nawalan at the time sa kaniyang tamang kaisipan because sane person don't do that na bigla na lang nangangagat at hihigupin ang dugo," ani Olaivar.




"What happened siguro, I am not sure pero sa history niya na galing na siya sa rehabilitation, alam naman natin kung ano ang ïll effects ng dr0ga," dagdag niya.

No comments