Magkaibigan, Sabay na Inabot ang Pangarap na Magkaroon ng Sariling Bahay!



Napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kaibigan na nariyan para sa'yo sa oras ng kasiyahan at kalungkutan. 'Yung tipong masasandalan mo kapag may pr0blema ka at matutulungan mo kapag siya naman ang nagka-pr0blema. Ang pagkakaibigan ay binubuo ng pagtitïwala, pagbibigay ng respeto at pagmamalasåkit sa isa't isa.




Katulad na lamang ng dalawang magkaibigan na ito. Mula sa pagiging magkaklase hanggan sa maabot nila ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Ibinahagi ni Cherry Sanglitan sa Homebuddies facebook group ang larawan nila ng kanyang kaibigan. Sa likod ay makikïta ang bahay na kanilang naipundar. Sa dami ng kanilang pinagdaanan ay magkasama pa rin sila hanggang sa pagkakaroon ng bahay.




Narito ang inspiring story ng magkaibigan:

"DOON KA SA HIHILAHIN KA PATAAS."

KAKLASE.
Kasalo sa kape,
Kahati sa ulam,
Kasabay lumakad pauwi,
KAIBIGAN.

Kasabwat sa katarantaduhan,
Karamay sa kalungkutan,
Kasama sa galaan,
KATRABAHO.

KASOSYO SA NEGOSYO.

at ngayon,
SOON-TO-BE KAPITBAHAY!

Sinong mag-aakalang hahantong kami sa ganito sa edad na beinte-kwatro?
(Sanggang dikit na ata kami gang dulo )
Nakakatuwang isiping may kaibigan kang hindi ka iiwan sa anumang pagsubok at sasamahan ka pa sa pag-abot ng pangarap.

...SANA IKAW DIN.

Sana makahanap ka ng taong makakasangga mo sa pagtupad ng maraming bagay.

Hindi kailangang marami, Basta't may isang nagtitiwala't sumusuporta, sapat na. Cheers to our 9TH YEAR ACHIEVEMENT!

#FriendshipGoals


No comments