Magnanåkaw, Nahuli Sa Tulong ng Dalawang Aso!
Dalawang magigiting na aso ang tila naging bayani dahil sa ginawa nila sa isang pamilya sa Masbate City. Ang dalawang bayaning aso na ito ay sina Roscoe at Smile. Nangyari ang insidënte nitong Enero 27. Ayon kay Trisha Marie Buri, may-ari ng dalawang aso, pasado ala-una noon nang hindi mapakali at panay tahol sina Roscoe at Smile.
Napansin ni Trisha na panay tingin ang dalawa sa kanya at sa pintuan ng kuwarto. At may narinig nga siya na tila may ibang tao sa loob ng kanilang bahay.
"Around 1 a.m., tumatahol at di po mapakali si Smile. Patingin-tingin po siya sa akin at sa pinto ng kwarto. May narinig po ako na footsteps at narinig ko na may binubuksang zipper ng bag sa baba at naisip ko agad ang laptop ni papa, kaya sumigaw agad ako."
Agad namang nagtungo ang mga magulang ni Trisha at nang wala silang nakitang kakaiba ay umakyat na ulit sila ngunit hindi umano tumigil sa kakatahol si Roscoe.
"So nag-decide kami na umakyat na lang ulit sa taas pero si Smile, ayaw tumigil kakatahol. Si Roscoe naman tahol nang tahol kahit inaaya na ni papa na umakyat sa taas."
"Ayaw niyang umalis sa kusina kaya naiwan si papa, tapos nakita niya na nakaawang 'yung panel ng door ng cabinet."
Nang buksan nila ang kabinet ay doon nila nakita ang magnanåkaw at doon na sila nagsisisigaw at humingo ng tulong sa mga kapitbahay. Natagpuan naman nila ang cellphone sa ilalim ng lababo at napagtanto nilang nalooban din ang kanilang kapitbahay bago pa ito magtungo sa kanila.
"Tinignan po namin 'yung cellphone at nakita na ang pictures ay sa anak ng kapitbahay namin. So ayun po pala, dumaan muna sa katabing bahay bago sa amin."

No comments