Toni Gonzaga, Host ng Gananapin na Proclamation Rally ni BBM at Sara sa Philippine Arena!



Si Toni Gonzaga-Soriano ang napiling maging host ng gaganaping proclamation rally ng UNiTeam nina presidential aspirant Bongbong Marcos at VP aspirant Davao Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena. Ito ay matapos ibahagi ng Wanna Fact PH sa kanilang facebook page ngayong araw, Pebrero 8, 2022. Matatandaan na inulan ng kritisïsmo si Toni nang makapanayam niya sa kanyang vlog si BBM.




"Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo ang ini-interview niya, iba-iba," ani ni BBM.

"Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni," dagdag pa nito.




"Bakit niyo naman inaano [inaåtake] si Toni Gonzaga. She's a vlogger, she's not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists," papuri pa ni BBM sa host.

Sa kabilang banda, matatandaan din na inulan din ng kritisïsmo ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano dahil sa pagpapakita nito ng kanyang pagsuporta sa tandem nina BBM at Sara.

Narito ang post na ibinahagi ng Wanna Fact PH:

No comments