Viy Cortez at Cong TV, Inanusyo na ang Gender ng Kanilang Baby!



Kamakailan lamang nang i-announce ng influencer at vlogger na si Viy Cortez na siya ay nagdadalang-tao na. Labis ang kanyang kasiyahan at ganoon din naman ang kanyang partner na si Cong Velasquez o Cong TV, isang influencer at vlogger din. Bilang mga content creator at influencer ay marami ang sumusuporta sa kanila at unang-una na rito ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga fans nila.




Sa latest vlog ng lovely couple ay ibinahagi naman nila kung paano nila ipinagdiwang ang 'gender reveal party' kung saan nila nalaman ang kasarian ng kanilang anak na ipinagbubuntis ni Viy. Sa isang venue, doon nila nakita ang gender ng bata at sa pamamagitan ng helicopter, ay naglabas ito ng kulay asul na usok na tanda na lalaki ang anak nila ni Viy at Cong. At doon na nagtatatakbo at nagtatatalon dahil sa sobrang tuwa si Cong.





Tila isang malaking biyaya ang 'Little Cong' hindi lamang sa magpartner kung hindi maging sa mga taong nakapaligid sa kanila. Marami ang nakahula ng tama na lalaki ang baby nila Cong. Masayang masaya ang lahat ng guests at ang mag partner sa 'gender reveal party'. Bukod sa maganda ang venue at bonggang pa-gender reveal ay masaya sila dahil magkakaroon na sila ng Baby 'Kidlat', palayaw na ibinigay nila sa baby Boy. Nag-viral ang video matapos nilang iupload sa kanilang Youtube Channel.



Marami naman sa mga netizens ang naging masaya sa kinalabasan ng 'gender reveal' dahil madadagdagan na naman ang 'Team Payaman'. Narito ang kabuuang video:


No comments