13-Anyos na Binatilyo, Binawian ng Buhåy Matapos Nitong Magpa-"TULI"



Usap-usapan ngayon ang balita tungkol sa isang 13-anyos na binatilyo mula Lucena, Quezon matapos bawiån ng buhay nang magpatuli nitong nakaraang linggo. Kuwento ng lolo ng biktima na si Marcelo Alvarez, Marso 19 nang magpatuli ang kanyang apo sa isang medical mission sa Purok Zaballero sa Barangay Gulang-gulang.



Aniya, pagkauwi nito sa bahay, nagpalit ito agad ng shorts dahil marami nang dug0 sa kanyang suot na salawal. Ayon sa kanya, nagpatingin ang kanyang apo dahil sa labis na pagdurug0.

"Ang binabanggit ng mga tumingin sa aking apo doon sa pagtatahi ng kanyang sugåt, e 3 yung tahi, na medyo malayo-layo yung pagitan. Tapos eh, inayos ng mga doktor, eh naging 6 naman yung tahi."

Pero pagkalipas ng ilang araw, tuloy-tuloy pa rin ang naging pagdudug0 mula sa ari ng binatilyo. Marso 21 nang dinala nila ang biktima sa ospital.



Kuwento ni Lolo Marcelo, nakatakda na dapat na salinan ng dug0 ang kanyang apo. Pero tuluyan na itong binawiån ng buhay noong Marso 22. Ayon pa kay Lolo Marcelo, nagdududa siya kung talaga bang doktor ang nagsagawa ng 0perasyon sa kanyang apo.

"Yung pinuntahan ko eh treasurer pala ng (Scout Royale Brotherhood). Eh ang gusto nilang mangyari kasi, kami-kami na lang yung mag-usap para sa kasunduan o yung tinatawag na settlement, amicable settlement."

"Ang sabi ko naman sa kanila, hindi pwede yun kasi settlement kaagad ang hinahanap niyo, wala pa naman yung miyembro niyo ng organisasyon. Paano mangyayari magkaroon ng settlement e hindi pa natin alam sino ba yung nagtuli?"




Dagdag pa niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin nilalabas ng organisasyon ang pangalan ng nagsagawa ng pagtutuli sa kanyang apo. Ayon kayLolo Mrcelo, tinutulungan na sila ngayon ng Public Attorney's Office sa pamumuno ni Atty. Persida Acosta.

May payo din siya sa mga magulang na nais isalang sa medical mission ang kanilang mga anak.

"Ang mensahe ko po ay mag-ingat kung may mga medical mission na isasagawa at kilalanin talaga yung mga-- kung talagang tunay na doktor o nagdodoktor-doktoran lamang."

Dagdag pa niya, "Pag-ingatan nila yung kanilang mga anak dahil sayang ang isang buhay. Mahaba pa ang lalakbayin nito."

No comments