15-Anyos na Babae, Nagparetoke ng Mahigit 100 Beses Para Magmukhang Barbie!



Mabilis kumalat sa social media ang mga balita, larawan, videos at marami pa. Dahil sa makabagong teknolohiya ay mas napapabilis ang pagkalat ng impormasyon hindi lamang sa isang lugar bagkus ay maaaring makarating sa ibang bansa. May mga hinahangaan tayong influencers. Kung minsan ay ginagawa natin silang inspirasyon dahil puro magagandang bagay ang nakikïta natin sa kanila.



Ngunit sa likod ng camera ay makikita ang reyalidad na buhay ng mga influencers. Sa katunayan ay may mga bagay din silang hindi pa nakukuha o kung minsan, nape-pressure sila dahil naka-Publiko ang kanilang buhay

Kaya naman, ang ilan sa kanila ay gusto na lamang maging perpekto na kadalasan ay humahantong sa hindi magandang resulta.




Katulad na lamang ni Xiao Z Na Na o mas kilala bilang Little Z Na Na. Isa siyang social media influencer at may milon-milyong followers. Nag-viral ang kanyang pangalan nang magpa-0pera siya ng hindi isa, dalawa o tatlo kundi mahigit isang daang beses na.





Sumailalim si Little Z sa full-face bone reduction surgery, tatlong 0perasyon sa kanyang bibig, anim na double-eyed surgeries, limang lateral canthoplasties (outer eye corner) procedure, dalawang facial liposuction, tatlong body liposuction at thigh liposuction.

Nag simulang magparetoke si Little Z sa edad a 13-anyos. Mula sa in0senteng mukha hanggang sa mag mukhang manika.

No comments