Baka, Tumulo Ang Luha na Tila Nagpapasalamat sa Lalaki na Tumulong sa Kanya sa Panganganak




Hindi man nakakapag salita ang mga hayop ay marunong naman silang magpakita ng kanilang nararamdaman. Mababakas sa kanila kung sila ay tak0t, gålit, malungkot o masaya. Katulad ng mga tao ay marunong rin silang masåktan, kung minsan hindi natin napapansin na lumuluha din pala sila kagaya natin.


Ang tanging pagkakaiba lamang natin sa mga hayop ay kaya nating umunawa, magsalita at mas malawak ang ating kaalaman kaysa sa kanila.

Limitado lamang ang kayang gawin ng mga hay0p hindi tulad ng tao, kung anumang gustuhin ay magagawa natin. Isang inahing baka ang labis na nakapagpahabag ng damdamin ng marami. Siya ay pinangalang Freser.




Kasalukuyang manganganak na noon si Freser at hiråp na hiråp siyang ilabas ang kanyang anak. Mabuti na lamang ay naroon ang doktor na si Ismael at tinulungan siya sa kanyang panganganak.

Matagumpay na nailabas ang anak ni Freser na pinangalanang Savi. Nang matapos ang panganganak ni Freser ay labis siyang nagpasalamat kay Doc Ismael. Naluluha siya habang dinidilaan ang mukha ng doktor.




Tila nagpapasalamat ang inahing baka sa ginawang pagtulong ng doktor para sa kanyang panganganak. Ngunit kinalaunan ay binåwian rin ng buhay si Freser marahil dahil sa hiråp sa panganganak.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Fundacion Santuario Gaia (Gaia Sanctuary Foundation) si Savi.

Tunay ngang may pakiramdam ang mga hay0p katulad ni Freser. Marunong rin siyang magpasalamat. Sana ay huwag nating abusuhin ang mga hay0p katulad ni Freser dahil may pakiramdam din sila.

No comments