Basurero, Nakapulot ng Halos Kalahating Milyong Pera sa Basura; Isinauli sa May-ari!



Isang garbage collector ang hinangaan ng marami. Ito ay matapos siyang gumawa ng kabutihan nang makapulot siya ng halos kalahitong milyong pera na nakita niya sa basurahan. Ayon sa ulat, ginawaran si Emmanuel Romano ni Mayor Ferdie ng Sertipiko ng Pagpapahalaga. Si Emmanuel ay isang mambabasura mula sa Baliwag Solid Waste Management Office.



Ipinamalas ni Emmanuel ang kabutihan at pagiging tapat ng ibalik niya sa may-ari ang napulot na P420,000 na pera na kanyang natagpuan sa loob ng isang plastik.

Kuwento ni Emmanuel, nang makita niya ang pera ay itinabi niya ito ngunit hindi para gamitin kung hindi para ay isauli. Katwiran ni Emmanuel, kahit na kailangan niya ng pera ay mas minabuti niyang maging tapat. Kaya naman, nagtungo siya sa Barangay Hall upang iabot sa may-ari ang napulot na pera.






Ayon pa kay Emmanuel, hindi umano siya nag-isip na galawin o gastusin ang pera kahit nangangailangan din siya. Inisip niya na baka magdulot ito ng hindi maganda sa kanya.

Labis naman ang pasasalamat ng may-ari ng pera. Nakatanggap si Emmanuel at kanyang pamilya ng mga munting regalo mula sa mga taong natuwa sa kanyang ginawa.

No comments