Dalawang Bata, Muntikan Nang Ma-suffocate Matapos Iwan ng Magulang sa Sasakyan!



Sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa mga bata ay parating isinisisi sa mga magulang. Hindi natin ito maiiwas sa mga tao lalo na kung binabantayan ng mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak. Dalawang bata ang kamuntikan ng malagay sa pangÄnib. Ang magulang ng magkapatid ay umalis para mamili at iniwan sa loob ng sasakyan ang dalawang anak.




Nasa 3-anyos at 1-taong gulang pa lamang ang mga batang iniwan sa loob ng naka-lock na SUV. Mabuti na lamang ay napansin ang dalawang bata ng mga tao at agad itong tinulungan.

Ngunit medyo nahirapan ang mga rescuers dahil naka-lock ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas, nailabas na rin ang dalawang bata. Basang-basa ng pawis ang dalawa kaya naman agad agad pinunasan ang kanilang likod at pinainom sila ng tubig.




Kung walang nakapansin sa dalawang bata ay maaaring na-suffocate na sila. Sinisisi naman ng mga netizens ang kapabayaan ng mga magulang at sana ay magkaroon umano ng kaparusahan para sa kanilang kapabayaan sa dalawang bata.

No comments