Dating Minamaliit sa Pagiging Kargador, Isang Matagumpay na Doktor na Ngayon!



Mula sa napakahirap na buhay na kanyang pinanggalingan at pagtatrabaho bilang kargador, ngayon ay nakamit na ni Johnny Viray ang pangarap niya at isa ng Doctor of Education. "Ang dating kargador na anak ng isang kobrador, ngayon ay isa nang doktor," panimula pa ni Viray sa kwento ng kanyang buhay. Ang nakaka-inspire na kwentong ito ni Viray ay ibinahagi niya sa Facebook group na DepEd Open Educational Resources.




Dito, ibinahagi ni Viray kung paanosiya minaliit noon dahil sa kanyang pagkayod sa trabaho habang sinisikap na makapagtapos ng pag-aaral nilang isang kargador.

Dahil sa hiråp ng buhay ng kanyang pamilya, hindi kailanman naranasan ni Viray na maghanda sa kanyang kaarawan noong bata pa lamang siya. Kahit na noong nagtapos ito ng highschool bilang Salutatorian ay walang anumang handa ang kanilang pamilya dahil sa kakapusan.




Hindi biro ang pinagdaanan ni Viray para maitawid ang high school. Pumapasok umano siya noon sa paaralan na tanging kape lamang ang laman ng kanyang sikmura kaya naman, bawat linggo ay nahihimåtay ito sa klase.

Sa sobrang hiya niya dahil tuwing linggo na lamang ito nangyayari sa kanya, maliban pa sa kanyang mga bayarin sa paaralan na hindi pa nababayaran ay tinangka ni Viray sumuko na lamang at tumigil sa pag-aaral.

Isa sa mga naging guro ni Viray ang lumapit sa kanya at pinatatag ang kanyang loob. Mula dito ay ito na rin ang nagbibigay ng pagkain kay Viray upang hindi na ito magutom pa sa pagpasok. Payo daw sa kanya noon ng gurong ito, "Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa."

Bagamat maayos na nakapagtapos ng highschool si Viray, panibagong pagsubok na naman ang pagpasok nito sa kolehiyo. Dahil pa rin sa kahirapan ay hindi agad na nakapag kolehiyo si Viray at nagdesisyon na magtrabaho na lamang bilang kargador.

"Naaalala ko non may nagsabi pa sa akin, utusan ka lang, kaya lalo kong ginustong matapos at nakuhang matapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude," kwento pa nito.

Sa kabila ng lahat ay ipinagpatuloy pa ulit ni Viray ang pagsisikap at pag-aaral hanggang sa hindi na lamang ito isang guro kundi isa nang Doctor of Education matapos nitong magtapos kamakailan lang sa Don Honorio Ventura Technological State University.

Kaya naman, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Viray para sa tagumpay na kanyang nakamit sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap nito sa buhay. Ngayon, maipagmamalaki na nito na ang dating minamaliit na kargador, isa na ngayong ganap na doktor.

No comments