Ina, Isinuko na sa Diyos Ang Buhay ng Anak Nang Makitang Nahihirapan Na Ito!
Bilang isang ina ay napakasåkit na mawalay sa kanyang piling ang anak niya. Kaya masåkit man ang kailangang tanggapin ng ina na ito na tuluyan nang mawawala sa kanyang piling ang anak matapos makita ang kalunos-lunos na kalagayan nito sa ospital. Isa sa dalawang siklista ang anak ni Narcissa Aguila, na sinalpok ng puting van sa Pasay City.
Marso 16 ng umaga, nagpapahinga sa gilid ng bangketa na malapit sa mall si John Paulo Santos, 22-anyos at Jericho Aguila, 19-anyos, nang salupukin sila ng puting van. Kaagad na binawiån ng buhay si John Paulo na pumailalim sa van habang isinugod naman sa ospital si Jericho na nagtamo ng matinding pinsala.
"Tinawag ko si Lord. Sabi ko, 'Sige po, isusurender ko na anak ko kung 'yon lang ang tamang paraan para hindi na siya magdusa, para hindi ko na makitang maghirap, isinusuko ko na po siya," malungkot na pahayag ni Narcissa nang makita ang anak na nahihiråpan na sa ospital.
"Iyon parang biglang nag-flat yung ano niya. Tapos wala na," patuloy niya.
Kasama nina John Paulo at Jericho ang isa pang kaibigan na si Diosdado Maravilla. Ayon kay Diosdado, bago mangyari ang insidente, nakita na umano nila na pa-U-turn na ang van at napansin nga ng dalawa na tila may problema sa driver.
"Sabi ng dalawa. "Parang hindi pa marunong mag-drive yung driver," pahayag ni Diosdado at kasunod na nito ay nangyari ang insidente.
Dahil sa nangyari sa dalawang kaibigan ni Diosdado ay hindi pa umano niya kaya na magbisikleta. Kasalukuyang nakakulong sa Pasay Ciy Police Station ang 19-anyos na driver ng puting van na walang lisensya at nakainom pa nang mangyari ang insidente.

No comments