Ina, Natagpuan na ang Kanyang Anak na Ipinaampon Makalipas ang 26 na Taon!



Enero 1, 1996 nang isilang ni Marissa ang kanyang anak na lalaki. Kasalukuyang walang kakayang bumuhay ng bata si Marissa kaya napilitan siyang ipaampon ang anak. Aminado siyang mahir├ąp na mawalay sa kanyang anak ngunit inisip niya na wala siyang kakayahang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.



Ipinaampon niya ang anak sa kanyang kapitbahay na si Bebe. Kinalaunan, nais umanong bawiin ni Marissa ang anak ngunit huli na ang lahat dahil sinabi ni Bebe na nasa amerika na ang sanggol.

Nawalan na ng pag-asa si Marissa noon na magkakasama pa silang mag-ina. Makalipas ang 26 na taon, nagbago ang ihip ng hangin sa mag-ina dahil sa wakas ay nagkita silang muli. Ito ay matapos ituro ni Romy at ng kapatid nito kung nasaan na naroroon ang anak ni Marissa.



Kasalukuyang nasa Davao ang anak ni Marissa na pinangalanang Patrick Jan Rios. Ayon kay Patrick, Grade 6 siya noong inamin ng mga nagpalaki sa kanya na siya ay ampon. Malakas na ang kutob niya noon dahil sa mga sabi-sabi.

Bumuhos ang emosyon ng mag-ina ng sa wakas ay magkita sila. Si Patrick ang mismong nagtungo sa kanyang ina para surpresahin sa tulong ng Kapus0 Mo, Jessica Soho.




Masaya si Marissa nang makita ang anak ngunit tila may kir0t sa puso si Remedios, tinuring ina ni Patrick. Mensahe niya, kung magkakasundo umano ang mag-ina ay sana huwag kalimutan ni Patrick kung sino ang nagpalaki sa kanya.


No comments