Isang Aeta, 25-Beses Nag-take ng Licensure Examination for Teacher Bago Nakapasa!
Marami ang napabilib sa determinsayon ng isang Aeta mula Tarlac. Hindi siya nawalan ng pag-asa at pinursigeng makapasa sa Licensure Examination for teacher o LET. "Try and try until you succeed," tila ito ang naging motto na pinanghawakan ni Gennie Victoria Panguelo na 25 beses nag-take ng nasabing examination.
Ayon sa kwento ni teacher Gennie, nagtapos siya ng pag-aaral taong 1987 at agad siyang nagturo sa kapwa niya Aeta dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa ganoon kahigpit ang gobyerno kung kaya naman pinapahintulutang magturo ang mga guro kahit hindi pa nila naipapasa ang LET.
Taong 1990 naman nang magsimula siyang kumuha ng exam sa LET si teacher Panguelo ngunit tila hindi ito pinapalad na makapasa.
Umabot ng taong 2010 ay mas naging mahigpit ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas para sa lisensya ng mga guro bilang isang requirements para makapagturo sa mga paaralan.
"Sinasabi nila matanda ka na, 'di ka pa pumapasa. Ano ba 'yan, maputi na ang buhok mo, 'di ka pa rin nakapasa," ani Teacher Gennie.
Sa kabila ng pag mamaliit at pang-iinsulto na sinasabi sa kanya, hindi pa rin sumuko si teacher Gennie, bagkus ay lalo pa siyang nagpursige upang makakuha ng lisensya sa magtuturo.
Sa kanyang ika-dalawamput limang (25) beses na pagkuha ng pagsusulit ay taong 2016 nang sa wakas ipinagkaloob na din sakanya ang matagal na niyang minimithing makapasa sa pagsusulit sa LET.
Hinikayat naman ni teacher Gennie ang ibang nais maging isang lisensyadong guro na huwag mawalan ng pag-asa at lalo pang magsumikap upang makakuha ng LET.
"Sa mga kabataan na tulad kong naghangad na maging titulado, huwag po kayong manghinayang," ang payo ng guro.
"Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga," dagdag pa niya.
Sa ngayon ay ipinagpapatuloy parin ni teacher Gennie ang pagtuturo sa mga batang Aeta sa Tarukan Elementary School sa Tarlac.
Talaga nga namang kahanga-hanga ang ipinakitang determinasyon ni teacher Gennie na makapasa at maging isang ganap na guro.

No comments