Lolong Nakapulot ng Wallet, Isinauli sa May-ari Kahit Pa Nasa Ospital Ang Kanyang Misis!



Sa panahon ngayon ay marami sa atin ang labis na naghihiråpo. Kanya-kanya tayo ng pangangailangan at karamihan sa atin ay nangangailangan ng pera. Pera ang ginagamit para makabili ng mga pagkain, gam0t at kung anu-ano pa. Kaya naman, nakakahanga ang mga taong pinipiling maging tapat sa kapwa kaysa sa gumawa ng mali kahit na nangangailangan na siya. Isa na lamang rito si Tatay Rome.




Marso 8, 2020 nang ibahagi ni Lala Lolou ang nangyari sa kanya matapos na mahulog ang kanyang pitaka na naglalaman ng cards at pera.

Laking pasasalamat niya na si Tatay Rome ang nakapulot ng kanyang pitaka dahil nakabalik ito sa kanya ng walang kahit na pisong bawas. Bilang pasasalamat ay binibigyan ni Lala si Tatay Rome ng pera ngunit ito'y tinanggihan lamang niya.




Narito ang kabuuang post ni Lala:

"Shout out po kay Tatay Rome Punla na taga Abad Santos Puerto Princesa Palawan na nakapulot nang wallet ko. Sobrang thank you po sa nagawa nyo. Lahat ng cards ko nasa wallet ko .Nasa loob lang din ang PIN code ng isang card ko. May pera din po but I still recieve the exact amount. You called me gamit ang number na nakita mo sa ID ko. You even refuse the money na gusto kung ibigay bilang pasasalamat man lang sana sa pagbalik sa wallet ko. TAY sana lahat nang tao tulad nyo. Thank you so much. You are a true hero! May God bless you always. Pashare guys. Sya ang halimbawa nang taong karapatdapat na sumikat"

No comments