OFW na Nagpakahirap Magtrabaho, Niloko Lang Pala ng Girlfriend sa Pinas!



Marami sa ating mga kababayan ang nakikipag-sapalaran sa ibang bansa. Dahil mas malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa, ay mas pinipili nilang doon na lang maghanap-buhay kahit mahirap para sa kanila na mawalay sa piling ng kanilang pamilya. Ngunit may mga taong hindi nakaka-appreciate sa sakripisyo ng mga OFW.




Dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy ang 52-anyos na OFW mula sa California, United States. Siya si Ferdinand Gomez, nagtatrabo sa ibang bansa bilang caregiver. Bukod pa sa pagiging caregiver ay suma-sideline din si Ferdinand para may maipadala sa kanyang girlfriend na nasa Pinas.

Simula nang maging sila ay nagsimula na rin umanong manghingi ng mamahaling gamit si Innah Esmero mula Tagum City, Davao. Kaya naman, kadalasan ay nasa tatlo hanggang limang oras na lamang ang itinutulog ni Ferdinand para mapunan ang pangangailang ni Innah.




Ayon kay Ferdinand, plano na nilang magpakasal kapag siya ay nakauwi na sa Pinas. Bumili na rin siya ng engagement ring at lupa para surpresahin si Innah.

Ngunit bigla na lamang siyang binlock ni Innah. Nakita na rin niyang may ibang kinakasama ang dating kasintahan. Ang masaklap pa, maging ang mga anak ni Ferdinand ay lumayo na ang loob sa kanya dahil sa pakikipag-relasyon kay Innah.

Nasa mahigit P300,000 ang halagang napadala ni Ferdinand kay Innah kaya naman humihingi siya ng tulong kay Idol Raffy para makakuha ng closure.

No comments