Panganay na Anak ni Sen. Pacquiao, Nagwagi sa US Amateur Boxing Debut!



Bago pa man sumabak sa politiko si Sen. Manny Pacquiao ay marami siyang pinagdaanang pagsubok sa buhay. Isa na rito ang pakikipaglaban sa loob ng ring, hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Tinagurian siyang "Pambansang Kamao" dahil sa daming naipanålong laban noon. Matatandaan na inaabangan ng mga tao ang bawat laban ni Manny sa ring.



"Congratulations to my son Jimuel Pacquiao on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I'm so proud of you," ani ni Sen. Pacquiao matapos magwagi ang kanyang anak sa larangan ng boksing.





Tila may pinagmanahan si Jimuel at proud na proud ang kanyang ama sa kanyang tagumpay. Marami naman ang bumati kay Jimuel matapos magwagi sa US Amateur Boxing Debut. Nakalaban niya ang Mexicano na si Andres Rosales sa San Diego, California.


No comments