Pinay OFW, Niregaluhan ng Bahay at Lupa ng Isang Hollywood Singer!



Mrami ang humanga sa ipinakitang kabutihan ng Hollywood singer na si Michael Bublé sa isang pinay na nag-alaga sa kanyang lolo noong nabubuhay pa ito. Binigyan niya ng bahay at lupa ang pinay na si Minette na nagsilbi sa kanyang lolo bilang caretaker. Kinalaunan, naging kaibigan na ng yumaong si Demetrio, lolo ni Bublé, ang nabanggit na pinay.



Ayon sa ulat, mapapanood sa newest episode ng US show "Celebrity IOU" ang pagbigay kay Minette ng newly-renovated home sa Canada upang hindi na nya kailanganin pang magbayad ng renta. Nagserbisyo si Minette jay Demetrio ng walong taon.

Ayon sa singer, naaayon umano sa kagustuhan ng kanyang lolo ang ipagkaloob ang naturang bahay sa pinay na naging kaibigan na din ni Demetrio.



"I think my grandpa would be thrilled knowing that we could maybe lessen the burden a little bit in allowing Minette to continue helping her family without it being so hard on her." ani ni Bublé.

Halos lahat umano ng kita ni Minette ay pinadala nya sa mga kapamilya nya sa Pilipinas. Paglalarawan ni Bublé sa Pinay, "really compassionate, kind empathetic human being with a great sense of humor, a great zest for life, who sort of never did anything for herself."



Ibinahagi ni Bublé kung gaano kabilis nagkasundo Minette at kanyang Lolo. Aminado si Bublé na noong una ay hindi sya sang-ayon sa ideya nang pag-hire ng personal nurse. Pamilya na umano ang naging turing nila sa mapalad na pinay.

Ani Bublé, ang naturang Vancouver property na itinayo ng kanyang lolo "with his own two hands" noong 1970s ay napakalapit sa kanyang puso.



"The greatest moments of my life happened here. The songs I learned and the style of music I fell in love with, they all happened her." pag-aalala ng singer.

Ngunit nagpasya pa din syang ibigay ito kay Minette dahil alam nyang gusto ng kanyang lolo na tumira sya doon. Nang ianunsyo sa maswerteng pinay na sya na ang nagmamay-ari ng bahay.

Ang tanging nasabi na lamang nito habang umiiyak sa tuwa ay "It is so much, really, really so much. I have no words right now. It hasn’t sunk in yet. It's beautiful, beautiful."

1 comment: