Sekyu, Pursigidong Abutin ang Pangarap na Maging Isang Architect!



Agaw-pansin sa mga netizens netizens ang isang inspiring story ng isang 25-ayon na security guard at graduating architecture student, dahil nakita siyang tinatapos ang kanyang mga plates habang naka duty. Sa kanyang caption, sinabi ng uploader na si Cristina Sofia Frencillo na 10 ng gabi nang makita niya si Aurea, isang guard mula sa Leyte, na may dalang lampara na halos hindi nagbibigay ng liwanag sa kanyang tracing paper habang naka-zoom in sa kanyang telepono.




"Initially, nagulat po kami kasi 'yung focus niya po ay sa work niya talaga, tapos everytime po na may dadaan naa-alarma siya kaagad. Kung wala namang tao siya ay nagdo-drawing," ani ni Cristina.

Hinangaan din niya kung paano napanatili ni Aurea ang kanyang pag-aaral, maging ang pamumuhunan sa isang laptop na ginagamit para sa mga kinakailangan sa akademiko.




Ayon kay Cristina, hindi umano nanghihingi ng pinansyal na tulong si Aurea dahil mas kailangan umano niya ang materyales sa pagdo-drawing at mga libro.

"Sabi po ni kuya guard, hindi niya kailangan ng financial na tulong at mas kailangan daw niya ang mga drawing materials at mga libro."

No comments