Watch! Ahas na May Habang 15 talampakan, Nahuli sa Kisame ng Ginagawang Bahay!



Nakakita na ba kayo ng dambuhalang ahas sa loob ng tahanan niyo? Siguradong magugulat at matatak0t kayo kapag natuklasan niyo ang isang ahas sa mismong loob ng bahay niyo. Laking gulat ng mga trabahador sa isang bahay na ginagawa sa Batangas City nang makakita sila ng dambuhalang sawa sa kisame ng bahay.



Ayon sa ulat, umabot sa labing limang talampakan ang haba ng sawang nahuli ng mga trabahador. Mapapanood sa video kung paano nila hinihila mula sa itaas an napakahaba at napaka tabang ahas.

Ayon naman sa mga residente, nakita na umano nila noong Oktubre 2021 ang naturang ahas ngunit hindi nila ito nahuli dahil nakawala.





Ngayon ay hindi na sila mababahala at panatag na ang kanilang kalooban dahil nahuli na rin sa wakas ang ahas dahil may mga bata umanong naglalaro malapit sa lugar kung saan nahuli ang ahas.

Ayon sa Punong Barangay ng Barangay Diyes, nasa pangangalaga na umano ng City Environment office ang sawa.


No comments