Baron Geisler, Natupad na Ang Pangarap na Makapagtapos ng Kolehiyo!



Si Baron Geisler ay nagtapos ng Bachelor of Arts Degree in Theology. Ibinahagi ng aktor ang update nitong Martes sa mga larawan ng kanyang sarili na kuha sa commencement exercises sa All Nations College sa Antipolo City. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari at nagawa ni Baron ay unti-unti na niyang tinutupad ang kanyang pangarap.




"My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!" isinulat niya sa Instagram.

Sa kanyang Instagram stories, ipinahayag ni Baron kung gaano siya nagpapasalamat na nasagot ang kanyang mga panalangin pagkatapos magsimulang muli sa pag-aaral ilang taon na ang nakararaan.

"(Noong) 2019 tayo nag-start at [ito] na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapag-tapos ng kolehiyo," aniya na may kasamang #ItsNeverTooLate.




Sa isa pang larawan na nagpakita ng listahan ng mga nagsipagtapos, kasama ang kaniyang pangalan, isinulat niya: "Praise Jesus."



Ang kanyang post ay sinalubong ng mga mensahe ng pagbati mula sa mga tagahanga, kaibigan, at kapwa celebrities, kasama sina Janno Gibs at Princess Punzalan.

No comments