Herlene "Hipon Girl" Budol, Sasabak sa Binibining Pilipinas!



Ibinunyag ni Herlene Budol na kilala din bilang "Hipon Girl" na sasali siya sa pageant ng Binibining Pilipinas. Sa panayam kay Karen Davila sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, ibinahagi ni Herlene na ang kanyang manager ang nag-udyok sa kanya na sumali sa pageant.

"Minotivate po ako ni sir Wilbert (Tolentino) kasi nakakita po siya ng potential ko. Parang sabi niya para ma-boost pa 'yung confidence ko, magiging maganda ako sa paningin ko kasi hindi rin talaga ako nagagandahan sa sarili ko," sabi niya.



Aminado naman si Herlene na kinakabahan siya sa pagsali sa Binibining Pilipinas, "May kaba po sobra kasi 'yung utak ko medyo hindi masyadong pasado sa standard siguro ng Binibining Pilipinas, pang-barangay lang po ako. Kasi nanålo ako dito sa amin , Binibining Angono ng Sining 2017 kaya po ako natawag na hipon kasi parang kinanchawan lang po ako."

Sinabi ni Herlene na kasalukuyang sumasailalim siya sa pagsasanay para maging isang beauty pageant contestant.



"'Yung utakan po, iyon po 'yung dinagdagan po nila sa akin kasi wala po akong kaunting knowledge about sa kung ano... communication, tapos kapag nagte-training kami English lang, walang Tagalog. Tapos walking po, kung paano dalhin. 'yung heels kasi dati nakalimutan ko na siyang dalhin, natutumba na po ako," ani ni Herlene.

Ibinahagi ni Herlene na may ilang kinukutya siya sa planong pagsali sa pageant. "Sasabihin nila ibigay na lang sa iba 'yung opportunity kasi hindi naman deserve tapos 'yung iba wala naman akong class bakit sasali ako sa ganon? Wala namang pinipili 'yun."

"Hindi ka naman sumali don para may patunayan sa iba, dapat may patunayan ka muna sa sarili mo kasi para ma-improve 'yung self-confidence, 'yung mga mali po sa akin maitama. Hindi ko naman 'to ginawa para sa iba eh. . Ginawa ko 'to para sa sarili ko."



Sa parehong panayam, ibinahagi ni Herlene na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo ngayong taon.

"Nag-aaral pa rin po ako. Ga-graduate po ako ngayong taon," aniya.

Si Herlene aymagtatapos na sa kanyang degree sa Bachelor of Science in Tourism Management.

"'Yung sabi kapag may kita kang pera, tatamarin ka nang mag-aral. Ang akin naman po, bakit ako magta-trabaho, para saan, para po makapag-aral. Pwede ka naman po magtrabaho habang nag-aaral. Pwede kang mag-aral habang nagtatrabaho."

Dagdag pa niya, gusto rin niyang matupad ang pangarap ng kanyang mga magulang.



"Pwede naman po akong tumigil na talaga dati pero ayaw ko pong madismaya sila tatay tsaka si nanay, lolo at lola ko po kasi pangarap po nila sa akin maging flight attendant kasi may kamag-anak sila, matanda na ngayon, [sabi nila], 'Alam mo anak 'yung tita mo taga-Pangasinan nag-flight attendant, tingnan mo nakapag-around the world sila,'" pagbabahagagi niya.

Sumikat si Herlene pagkatapos niyang sumali sa isang segment at maging regular host ng Wowowin ni Willie Revillame. Kasalukuyan siyang aktibo bilang vlogger na may 1.7 milyong subscriber sa YouTube.

No comments