Jeep na Galing sa Kasalan, Nahulog sa Bangin; 28 Sugatan at 2 Ang Binawiån ng Buhay!



Isa sa pinaka masayang pangyayari sa buhay ay ang kasalan. Dito madalas ay nagkikita-kita ang mga magkakamag-anak na magkakalayo ng tinitirhan. Ngunit isang trahedyå ang nangyari matapos ang masayang kasalan. Pauwi na sana ang jeep mula sa isang kasalan nang mahulog ito sa bangin. Ayon sa ulat, dalawang tao ang binawiån ng buhay, kabilang ang groom habang 28 ang nasugåtan nang mahulog ang sakay nilang jeep sa bangin sa bayan ng Torrijos, Marinduque.




Kasama sa nasåwi ang groom na si Engr. Allan Roldan at ang isang 10 anyos na bata na parehong deåd on arrival sa ospital, ayon sa Torrijos police chiefna si Police Lt. Lily Nicolas

Galing sa bayan ng Sta. Cruz ang jeep na pauwi mula sa kasal nitong alas-3 ng hapon nang mahulog sa bangin.




Nawalan umano ng preno ang jeep, ayon sa drayber na si Roderick Regardo na hawak na ng mga pulis.

"According sa drayber, nawalan siya ng preno noong pababa na medyo pakurba po, may bangin sa ano, nawalan na ng control at preno," ani Nicolas.

No comments