Lalaki sa Antique, Mayroong Limang Utong; Viral Ngayon sa Social Media!



Viral ngayon sa social media ang isa lalaki na hindi lang may dalawang utong kundi lima. Siya si Alvin mula Antique. Ayon sa kanya, bata pa lamang siya ay napansin nang apat ang kanyang utong ngunit nang siya ay tumuntong ng 18-anyos ay napansin ng kanyang ina na may tila lumabas pang isa. Noong una ay inakala umano ng nanay niya na dumi lang ito.




"Bata pa lang ako, apat na talaga 'yung utong ko. Pero nu'ng nag-18 ako, may lumabas na isa pa! Akala pa ng nanay ko nu'ng una, libag lang. Marami-rami na rin naman akong nakarelasyon. Pero 'yung asawa ko lang nakakita noon. Tinatago ko kasi talaga dati eh," pagbabahagi ni Alvin.

Ayon naman kay Lovely, misis ni Alvin, nagulat umano siya noong una niyang nakita ang utong ni Alvin. Ngunit imbis na mailang siya ay pakiramdam niya ay mas gumawapo pa si Alvin.



"Napansin ko na lima 'yung utong niya nu'ng nagbibihis siya. Nagulat talaga ako! Para sa akin, mas lalo siyang gumwapo. Siya lang kasi ang nakilala kong kakaiba na may limang utong!"

Ani ni Noel, kaibigan ni Avin, matagal na silang magkaibigan ngunit nito lang din niya nalaman ang tungkol kay Alvin.



"Matagal na kaming magkaibigan ni Alvin. Pero nito ko lang nalaman na may lima siyang utong. Sabi ko, 'Hala, may limang utong pala 'to! Sa baboy lang may ganoon karami. Nilampasan pa niya ‘yung kalabaw. Kasi kalabaw nga, apat lang eh."

No comments