Maja Salvador is now engaged to her long-time boyfriend Rambo Nuñez!



Ibinahagi na ng Pinay Actress na si Maja Salvador na siya ay engaged na sa kanyang long-time boyfriend na si Rambo Nuñes. Sa instagram post ni Maja ay ipinakita niya ang kanyang larawan suot ang engagement ring kasama ang kanyang boyfriend. Ani ni Rambo sa instagram post: "The best part is yet to come my love @maja." Ito naman ang caption ni Maja sa kanyang post "My new beginning @rambonunez."





Si Maja Ross Andres Salvador ay isang artista, endorser, mananayaw, mang-aawit, host, producer, at talent manager. Si Salvador ay tumatanggap ng maraming parangal, kabilang ang prestihiyosong Asia Contents Awards, bilang karagdagan sa mga nominasyon para sa Asian Academy Creative Awards, at Asian Television Awards.

Dating nasa ABS-CBN si Maja at kasalukuyan naman siyang nasa GMA ngayon. Isa na rin siya sa mga Host sa noontime show na Eat Bulaga.





Marami ang bumati kay Maja at Rambo sa kanilang engagement. Marami din ang naeexcite sa kanilang paparating na kasalan.

No comments