Paglunsad na Bagong P1,000 Polymer Banknotes, Pinangunahan ni Pres. Duterte!



Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ang paglunsad ng bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer. Kasama ni Pres. Duterte sa ginanap na event sa Malacañang sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ayon sa BSP, ang unang batch ng P1,000 polymer banknotes ay ihahatid mula sa Australia ngayong buwan at itatampok ang Philippine eagle sa harap at isang South Sea pearl sa likod.




Nauna nang sinabi ni Diokno na ang sentral na bangko ng Pilipinas ay nakipagkasundo sa Reserve Bank of Australia at ang wholly-owned subsidiary nitong Note Printing Australia para sa produksyon ng polymer banknotes.

Pinu-push ng BSP ang adoption ng polymer-based banknotes, dahil ang mga ito ay sinasabing mas hygienic at sanitized, mas sustainable at environment friendly, mas matibay, at mas cost effective.

Ang mga polymer banknote ay magkakaroon din ng mga karagdagang tampok sa seguridad na magpapahiråp sa mga ito na pekein.





Isinaad pa nito na ang P1,000 banknote ay malawakang ginagamit sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa 30% ng lahat ng pera sa sirkulasyon.

Idinagdag nito na humigit-kumulang 500 milyon P1,000 polymer banknotes na nagkakahalaga ng P500 bilyon ang nasa sirkulasyon sa pagitan ng 2022 at 2025.

Nilinaw din ni Diokno na mananatili sa sirkulasyon kasama ng polymer banknotes ang P1,000 bill na makikita ang mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

No comments