Panoorin: 20-Anyos na Swimmer, Iniligtas Ang Nalulun0d na Binatilyo!


VIRAL ngayon ang video kung saan makikitang sinagip ng 20-anyos na swimmer na kinilalang si Jey Ferson Bersales ang isang binatilyo mula sa pagkakalun0d nito sa sa Bitbit River, Norzagaray, Bulacan. Ayon kay Jey Ferson, nakita umabo niya sa pinaka ilalim ang binatilyo at agad-agad niya itong inahon sa tubig.





Tinulungan din siya ng mga kalalakihan na akayin papuntang pampang ang binatilyo. Ginawa ni Jey Ferson ang cardiopulmonary resuscitation o CPR para maisalba ang buhay ng binatilyo.
"May nalunod. May ano pa may bata pa daw sa ilalim," ani umano ng taong naliligo din sa nasabing ilog.

Ngunit may pumipigil umano sa kanya ngunit hindi pa rin siya nagpatinag at hinanap ang binatilyo.

"Ate buhay pa 'yan eh. Ano ka ba?! Ginawa ko po, hinanap ko talaga. Hindi ako umahon agad. And pagpunta ko pa ng ilalim 'yun ko na po nahawakan ko po 'yung mukha ng bata 'tas sobrang gulat. At the same time. sobrang tak0t. Kinakabahan. Kasi nga, wala nang buhay 'yung bata sa ilalim eh"






"Unang revive ko, tinuloy-tuloy ko lang, 'yun po, uhm, na-revive talaga siya. Kinaawan po talaga ng Diyos."

Pag-aamin ni Jey Ferson, isang umano siyang swimmer.

"Actually, I am a swimmer. Atleta po ako, naglalaro po ako, before palarong pambansa, national, invitation games. 'Di ko talaga inisip na darating talaga ako sa point na makasalba po ako ng buhay ng isang tao."

Napagtanto niyang hindi lamang siya pang kopetisyon dahil kaya din niyang magsalba ng buhay.

"'Dun ko na po talaga narealize na hindi lang po talaga good ako for competition but also good for saving some life po."

No comments