Pinay, Kumikita ng P226-K Kada Buwan sa Pagpitas ng Prutas!



VIRAL ngayon sa social media ang isang 23-anyos na kinilalang si Mariel Larsen dahil sa kanyang trabaho na kumikita ng malaking pera. Nasa Australia si Mariel kasama ang kanyang mister na Australiano. Pagbabahagi ni Mariel, natira umano siya sa Australia dahil sa kanyang asawa. May anak na din sila Mariel.



Si Mariel ay isang pinay na nagtatrabaho nsa Australia bilang Fruit Picker o namimitas ng mga prutas.
Nasa AUD 3,000 hanggang AUD 6,000 ang kinikita ni Mariel sa loob ng isang buwan o may katumabas na P113,000 hanggang P226,000 dito sa Pilipinas.

"Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australiano. So dinala niya po ako dito sa Australia."




Marami naman ang mga napa-wow sa kanyang kinikita ngunit sinabi ni Mariel na hindi din madali ang pamimitas ng prutas. Kinakailangan kasi nilang punuin ang lagayan ng prutas.

Masåkit din sa likod dahil madalas ay nakatayo siya at madami ang pinipitas nila. Nasa 300-500 kg per bin ang kilo ng prutas na kanyang pinipitas.



"By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo.."

"Dahil nakatayo po kayo and then mabigat po yung bag."

Marami na rin silang farm na napipitasan at permanente na nilang pinupuntahan, "May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba't ibang prutas na tinatrabahuhan po namin."

Para madaling makapunta sa mga farm ay nakatira sila sa isang camper van. Kaya naman todo-kayod silang mag-asawa para makabili na ng sariling bahay at lupa.

No comments