Rob Moya, Inaming Mahal Pa Rin Si Toni Fowler!



Matapos na kumalat ang video ng gulo sa pagitan nina Toni Fowler, Rob Moya, Tito Vince at iba pang miyembro ng ToRo Family ay naglabas na ng pahayag si Rob. Birthday ni Rob noong nangyari ang kaguluhan. Ayon kay Rob, inamin niya umanong mahal pa rin niya si Toni at kinumpronta niya ito kung maaari ba na magsimula sila muli.




Ngunit hindi nagustuhan ni Toni ang mga sinabi ni Rob sa kanya at doon na nagsimula ang sigawan at kaguluhan.

Sa pahayag ni Rob ay pinagsisihan niya ang lahat ng nagawa niyang mali kay Toni. Sa lahat ng mga hindi magandang nangyari ay tinanggap pa rin umano siya ni Toni at naging mabuting kaibigan pa rin ito sa kanya. Na-appreciate umano ni Rob ang lahat ng pinapakitang kabutihan ni Toni sa kanya.




Inamin niyang kahit bestfriend na lang sila ay kinikilig pa rin daw siya tuwing magkikita sila ni Toni. Humingi din siya ng dispensa kay Vince at wala umano siyang intensiyon na saktan sila. Aniya kung pwede niya lang ibalik ang oras ay hindi siya magdadalawang-isip na mahalin niya ulit si Toni. 

Dagdag pa niya, kahit ilang babae pa ang dumaan sa buhay niya, si Toni ay espesyal sa kanya.

No comments