Viral Video! Netizen na Nagsunog ng P20 Bill, Sinampahan ng Reklamo ng BSP!



Viral ngayon sa TikTok ang video kung saan mapapanood ang lalaking may hawak ng P20 bill bago ito ginamit upang sindihan ang isang bote ng gin. "Oo gin lang kame pero legit," ani ng netizen sa video. Agad itong binura ng may-ari ngunit mabilis itong kumalat sa social media kaya nakarating ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang video ay muling in-upload ng mga netizens sa Tiktok.



Sa ulat mula sa 24 Oras ng GMA-7, sinabi ng BSP na nilabag ng netizen ang Presidential Decree No. 247 na nagbabawal sa "defacing, mutilating, tearing, or partially burning or destroying our currency by any ways."

Ang mga lumalabag ay kailangang magbayad ng multa na hindi hihigit sa P20,000 at/o sa pamamagitan ng "pagkakulong ng hindi hihigit sa limang taon."



"'Yung corresponding bank note and then 'yung coin is pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas. Naka-receive siya ng maraming backlash from the public, pi-null out niya agad," ani ng BSP senior investigation officer na si Atty. Mark Fajardo.




Ang netizen ay nakilala na ng BSP at mga kaukulang awtoridad, ayon sa GMA-7. Nagsampa din ng reklamo ang BSP laban sa nag-upload ng video dahil sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code laban sa labag sa batas na pagsalakay at ang Cybercrime Prevention Act of 2022.


No comments