Alexa Ilacad, Nagtapos sa Kolehiyo Nang May GWA na 1.0 at Dean's Lister Pa!



Hindi lamang basta nakapagtapos ng kolehiyo ang aktres na si Alexa Ilacad kundi nagtapos siya ng may GWA na 1.00 sa kanyang kurso na marketing degree. Isa pa ay kabilang din siya sa dean's lister. Sa angking galing ni Alexa ay hindi naman napigilan ng mga netizens na ihalintulad siya at ang kanyang karakter sa "Four Sisters Before The Wedding" kung saan ginampanan niya ang role ni "Bobbie".




Matalino at maganda si Bobbie sa pelikula at maihahalintulad talaga siya kay Alexa.

"Ikaw 'yung matalino, ikaw 'yung maganda. Lahat, ikaw na!" ito ang linya na binitawan noon ni Toni Gonzaga o Teddie kay Bea Alonzo o Bobbie sa pelikulang "Four Sisters and a Wedding".

"Honestly, hindi naman ako talaga matalino sobra. But what I am, is masipag. So I think that's what people need. We need that tiyaga, we need that extra effort to achieve what we want… What I really am is just masipag. I just work extra hard. These things didn't come easy for me," pahayag ni Alexa.





Si Alexa ay isa sa ex-PBB housemates (Kumunity Season 10: Celebrity Edition) na naging usap-usapan noon sa loob at labas ng bahay ni Kuya. Bago pa man pumasok sa PBB ay marami na ring naging projects si Alexa kabilang na dito ang The Kill3r Bride, Four Sisters Before the Wedding (Prequel) at marami pa.

"I cried and cried, but then I realized, I still have to do it," maluha-luhang inalala ni Alexa noong pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.

"So, let's do it. Pahinga lang muna. Tanggapin muna ‘yung cards that I have been dealt with, and then — let's do it!" dagdag niya.

No comments