Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Nagpasalamat sa 31-M na Bumoto sa Kanya!



Sa halos kumpletong bilangan ngayong Halalan 2022, si Ferdinand Marcos Jr, na kilala bilang "Bongbong", ay nakakuha ng mahigit 56% ng boto at higit sa doble ang tally ng kanyang pinakamalapit na karibal, ang liberal na si Leni Robredo. Siya ang nangunguna sa Presidential Race na ipinagpasalamat naman niya.




"To the world, he says: Judge me not by my ancestors, but by my actions," sabi ng spokesperson na si Vic Rodriguez sa isang pahayag.

Sa loob ng maraming taon, dinagsa ng mga pro-Marcos account ang social media, na nag-iiwan sa maraming kabataang Pilipinong nakapag-aaral sa Facebook na naniniwalang ang pamamahala ng kanyang ama ay isang ginintuang panahon ng kapayapaan at kaunlaran.




Ilang oras matapos ang kanyang napakalaking tagumpay, binisita ni Marcos Jr ang puntod ng kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani.

Sa isang larawan ay makikita na hawak niya ang isang lkaratula na may nakasulat na "Thank you 31 Million."

Nasa mahigit 31 Million votes ang nakuha ni Marcos sa partial at unofficial na bilang sa Halalan 2022.

No comments