Ka Leody, Hindi Umano Kikilalanin Bilang Presidente at Bise Presidente sina Marcos-Duterte!
Sinabi ni labor leader Leody de Guzman nitong Huwebes na hindi niya kikilalanin ang paparating na administrasyong Marcos-Duterte at magiging isa sa mga pinakamabangis na kritiko nito mula sa unang araw ng pamumuno nito. Sa isang press conference, iginiit ni de Guzman na bigo ang Commission on Elections (Comelec) na tiyakin ang malinis, tapat, at patas na halalan dahil ang mga nanaig ay mga dynastic clans.
"Hindi ko kikilalanin bilang Pangulo at bilang Bise Pangulo si Bongbong Marcos at si Sara Duterte. Lalabanan ko ang pag-go-gobyerno niya, ang kanyang mga gagawing patakaran, at hindi ako kailanman magkakaroon ng ilusyon na magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng masang Pilipino," pahayag ni De Guzman.
Kasama ng Partido Lakas ng Masa at Bukluran ng Manggagawang Pilipino, sinabi ni De Guzman na patuloy niyang isusulong ang mga programang itinaas niya noong panahon ng kampanya, at idinagdag na hindi niya inaasahan ang anumang mangyayari mula sa pamumuno ni Marcos at Duterte.
Sa panahon ng kampanya, sinabi ni De Guzman na itataas niya ang pambansang minimum na sahod sa P750, para i-abolish ang regional wage boards, at i-dissolve ang mga manpower agencies para wakasan ang kontraktwalisasyon sa bansa.
"Patuloy kami sa pakikipaglaban. Itutuloy namin ang laban mula sa labanan sa halalan tungo sa labanan sa lansangan bitbit ang kahilingan ng masa ng sambayanan,” dagdag pa niya.
As of 5:32 p.m. noong Huwebes, nangunguna pa rin si Marcos sa partial at unofficial count of votes na may 31,104,084 votes.
Samantala, pinananatili rin ni Duterte ang malaking pangunguna sa iba pang mga kandidato sa pagka-bise presidente na may 31,561,775 na boto sa parehong panahon.
May kabuuang 55,196,968 na boto mula sa 67,442,616 na rehistradong botante ang nakapasok na sa pag-post. May kabuuang 98.35% ng election returns ang naproseso na sa ngayon.

No comments