Museleo ni Mahal na Nagkakahalaga ng Mahigit P4-M, Natapos nang Gawin!



Labis ang pasasalamat ng pamilya ng yumåong komedyante na si Noeme Tesoreo o mas kilala bilang Mahal. Natapos na kasi ang museleo ni Mahal na matatagpuan sa Himlayang Pilipino Memorial Park na nagkakahalaga ng P4.1 Million. Pumanåw si Mahal noong Agosto 31, 2021 na labis na ikinagulat at ikinalungkot ng mga tao lalo na ng kanyang mga supporters at mga kaibigan.



Si Irene Tesorero, kapatid ni Mahal, ang nagbigay ng Cabinet files ng impormasyong inabot na P4.1-M ang nagastos sa pagpapatayo ng Museleo. P2.8 Million ang halaga ng lupa habang P1.3 Million naman ang halaga ng pagpapagawa ng Museleo.

"Thank you so much sa mga supporter, avid fanatics ni Ate Mahal. Sa mga walang sawa ninyong panonood sa kanyang YouTube channel. From the bottom of my heart, I salute you all," ani ni Irene.





Nagmula sa Youtube Channel ni Mahal ang ipingpagawa ng kanyang Museleo. Nilinaw rin ni Irene na walang kontribusyon si Mygz Molino at ang manager ni Mahal na si Jethro Carey sa pagpapagawa ng musoleo ng komedyante.



"'Wag n'yo pong ipilit about Mygz. Wala po siyang itinulong diyan, kahit si Jethro. Uulitin ko, wala pong tulong silang dalawa. Ito po ay galing sa fans," paglilinaw ni Irene sa mga netizens.

No comments