Raffy Tulfo, Masayang Masaya na Maging 3rd Place sa Senatorial Race!



Nakaabang ang karamihan sa mga Pilipino sa magiging resulta ng Halalan 2022. Matapos ang nangyaring botohan kahapon, Mayo 9 ay inumpisahan na ng COMELEC na bilangin ang mga boto ng mamamayang Pilipino. Sa partial at unoffical result ngayong 1:17 AM, Mayo 10, 2022 na nasa 88.67% ng Nationwide Elections Returns ay nasa ikatlong pwesto ang broadcaster na si Raffy Tulfo na mayroong 21,216,721 votes.




"Expected ko na talagang hindi ako mag-number one, at kung mag-number one man, makahabol pa, imposible, milagro. Pero okay na sa akin ang number 3, happy-ng happy na ako," ani ni Tulfo.

"Maasahan ng taong bayan ang isang Raffy Tulfo na magiging masipag na senador, working senator 'ika nga. Mag-aattend ako palagi sa mga hearing, hindi ako magiging absenero, at marami akong maiaambag sa Senado sapagkat for the past 20 years, marami na akong napakinggan na mga problema ng taong bayan at nabibigyan ko ng solusyon," pahayag pa nito.




"And kung ako nga po ay naging masipag na private citizen, ano pa kaya po na ako ay isang senador na, na ako ay sinuswelduhan po ng taong bayan, so the more na dodoblehin ko po ang aking sipag," dagdag pa niya.

"Hindi ako sasanib sa kaniyang partido dahil I would like to remain independent dahil ang aking loyalty ay sa taong bayan pa rin at hindi sa any particular party."

No comments