Sharlene San Pedro sa Kanyang Graduation Picturorial: "Slide jump papuntang graduation"



Ibinahagi ni Sharlene San Pedro ang kanyang graduation pictorial. Sa kanyang larawan ay makikita na may hawak siyang cellphone habang ipinapakita ang kanyang favorite mobile game na Call of Duty Mobile. Bukod sa pag-aartista at VJ ay kilala rin si Sharlene bilang streamer ng Call of Duty Mobile na kung saan maraming kabataan ang naka-follow sa kanya.




"slide jump papuntang graduation hahahahah," caption ni Sharlene sa kanya ipinost sa kanyang facebook account.

Umano ito ng 140k reacts, 2.9k comments at 14k shares. Marami ang bumati kay Sharlene partikular na ang mga supporters at fans niya.




Ang 23-taong-gulang ay nakatakdang tumanggap ng kanyang bachelor's degree sa AB Psychology mula sa Online Education system ng AMA University. Noong Abril ng 2022, ibinahagi ng aktres na naipasa niya ang kanyang thesis na nakatuon sa epekto ng mga kritiko sa social media sa mga pampublikong pigura tulad ng kanyang sarili.

No comments