Zeinab Harake, Nagsalita na Tungkol sa Hiwalayan Nila ni Skusta Clee!



Emosyonal ang naging interview ni Toni Gonzaga sa vlogger na si Zeinab Harake. Matapos ang ilang linggong pananahimik ay nagsalita na si Zeinab tungkol sa usap-usapang hiwalayan nila ng dating kinakasama at rapper na si Skusta Clee. Ayon kay Zeinab, hindi madali ang pinagdaanan niya bago niya tuluyang tapusin ang ugnayan nila ni Skusta Clee.



Matatandaan na kamakailan lamang nang makunån si Zeinab sa kanyang 4-month old baby boy na pinangalanan niyang "Baby Moon". Makalipas ang dalawang linggo ay ginanap ang 1st birthday ng anak nila na si Bia.

Binanggit ni Zeinab sa ToniTalks ang dahilan kung bakit hindi niya inimbitahan ang ama ni Bia na si Scusta Cless sa 1st birthday nito.





Ikinuwento rin ni Zeinab ang dahilan ng kanilang paghihiwalåy ni Skusta Clee. Ayon kay Zeinab, pilit umano niyang inaayos ang pamilya nila ngunit si Skusta Clee mismo ang lumalayo at sumisira ng kanilang pamilya.

Nahuli umano ni Zeinab si Skusta Clee na may kausap na iba. Kinalaunan ay umamin din ito kay Zeinab sa ginawang panglol0ko niya.



Hindi na matanggap ni Zeinab ang ginawa ni Skusta Clee sa kanya lalo na sa kanilang anak. Mas pinili na umano ni Zeinab na maging masaya kasama ang kanyang anak. Kasalukuyan naman siyang nagpapagaling mula sa anxiëty niya.

No comments