5-Anyos na Batang Nagligtas sa Kanyang Lola Mula sa Sunog, Pinarangalan!
Maniniwala ba kayo na ang isang 5-anyos na bata ay maaaring maging "Hero"? Siya si Edmund Jon Nipay mula Jones, Isabela. Tatlong taong gulang noon si Edmund nang masunog ang kanilang tahanan. Ayon sa ulat, nawalan umano ng kuryente sa lugar nila Edmund noong mga oras na iyon. Nang bumalik ang daloy ng kuryente ay naging dahilan para magkaroon ng malaking sunog sa kanilang kapitbahay.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nadamay din ang tahanan nila Edmund. Dahil dito ay dali-dali niyang hinanap ang kanyang lola upang iligtas mula sa nasusunog na bahay. Habang nakaupo sa wheelchair ang kanyang lola ay itinulak ito ni Edmund palabas sa kanilang bahay. Ngunit hindi pa rito natatapos ang ginawang katapangan ni edmund, binalikan niya ang cellphone at salamin ng kanyang lola para makahingi ng tulong. Sa kabutihang palad ay walang masamang nangyari sa bata.
Ayon kay Edmund, handa niyagawin ulit ang kabayanihan. Labis naman ang pasasalamat ng kanyang lola. Sa kabila naman ng pagkabahala ng mga magulang ni Edmund, proud na proud sila sa kabayanihang ginawa ng kanilang anak.
Matapos ang dalawang taon ay ginawaran si Edmund sa 17th Annual Kalasag: Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assisance na hatid naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

No comments