"Ang galing talaga ng timing ng Diyos!"



Akala ng bagong kasal na ito ay noong Nobyembre 4, 2017 ang una nilang pagkikita, ngunit maliwanag na pareho silang nabinyagan noong Nobyembre 4, 2000.

Nalaman nina Mr. & Mrs. Marlon at Ken Loyce Panaligan na ang kanilang unang pagkikita ay noong 2000, sa seremonya ng kanilang kasal sa Parokya ng Sto. NiƱo de Lipa noong Sabado.




"Noong tinanong ni Father kung kailan sila unang nagkita ay sumagot agad ang dalawa ng November 4, 2017 po. Biglang sinabi ni Father na hindi totoo!




"Sapagkat hindi totoo na 2017 lang sila nagkita kasi base sa kanilang baptismal certificate, November 4, 2000 sila sabay na nabinyagan ni Fr. Rodem Ramos!" sabi ng parokya sa isang post sa Facebook.

"Ang galing talaga ng timing ng Diyos!" dagdag pa nila.

No comments