Babaeng Ilang Beses na Nareject sa Trabaho, Nagparetoke Para Gumanda



Dahil hindi natatanggap noon sa ina-applyan na trabaho, nagpasya si Jovylyn Cachin na magparetoke. Ayon kay Jovylyn, hindi siya natatanggap noon sa trabaho at ang iba niyang kasabayan na mas may itsura ay nakapasok. "Yung mga kasama kong nag-apply natanggap sila. Eh ako, hindi ako maganda so alam mo kung ano ang ibig sabihin nun... Madali kasi ang buhay kapag maganda ka, reality 'yon."



Nagsikap si Jovylyn na makaipon para makapag paretoke ng ilong dahil ito agad ang napapansin ng mga tao. 2016 nang unang magparetoke si Jovylyn. Matapos ang ilong, sunod naman niyang ipinagawa ay dimple, botox, nagpatanggal ng double chin, nagpadagdag ng dibdib, nagpabawas ng tiyan at braso at pagkaraan ay nagpaayos muli ng ilong.

Aminado si Jovylyn na nakakaadïk ang magparetoke. "Nakakaådik ang pagpaparetoke. Real talk 'yan," saad niya. 





"Gaya niyan, na-appreciate ko ang ilong ko ang ganda, humananap na naman ako kung ano yung mali sa katawan ko. Doon ko naramdaman na ang ganda palang maging maganda. Ang sarap ng pakiramdam."



Nasa P1.3 milyon na umano ang kabuuang pera na nagastos niya sa pagpaparetoke. Hindi umano siya nagsisisi sa kanyang ginawa dahil para naman daw ito sa ikagaganda ng kanyang buhay.

No comments