BB Gandanghari, Nakikiramay kay Carmina Villaroel sa Pagpanaw ng Ama Nito



Si BB Gandanghari ay nag-abot ng pakikiramay kay Carmina Villaroel na dati niyang asawa. Pumanaw na kasi ang ama ni Carmina.

Naging magkasintahan noon sina Rustom Padilla na ngayon ay BB Gandanghari na, at Carmina na kalauna'y nagpakasal ng palihim sa isang civil wedding sa Caloocan noong Hunyo 4, 1994. 1997 nang ihayag naman nila ang kanilang hiwalayan na kasunod ay ibinunyag ang kanilang lihim na kasal.



Matapos ang isang taon ay agad na nag-file si Carmina ng annulment na na-grant naman taong 2002. At taong 2012 nang muling iknasal si Carmina kay Zoren Legaspi at ngayon ay may kambal na ang sila- sina Cassy at Mavy.

Nilisan ni Rustom ang showbiz taong 2001. Pumasok sa PBB: Celebrity Edition 1 taong 2006 at doon sa loob ng bahay ni Kuya nag-out si Rustom. 2009 nang magpalit siya ng katauhan at pangalan bilang BB Gandang Hari.





Pumanaw ang ama ni Carmina noong Hunyo 7, 2022 at ito ay ibinahagi ni Carmina sa kanyang instagram. Nagpahayad naman si BB Gandanghari ng kanyang pakikiramay sa pamamagitan ng pagkomento sa post ni Carmina.

“I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family.

"Daddy Regy is one of the most respectable, kindest, and coolest person I have ever met.



"I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar.

"I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. [black heart, broken heart emojis] Hugs to you…. [praying hands emoji]”

No comments