Dating Kulungan ng Baboy, Isa Na Ngayon Munting Tahanan!


Sino ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon na sariling bahay? Isnpirasyon ang hatid na kwento ng isang miyembro ng Homebuddies Facebook Group na si Raymond Soledad matapos niyang ibahagi ang istorya kung paano nagsimula ang kanyang bahay. Mula sa kulungan ng baboy na ngayon ay sarili na niyang bahay.


Narito ang kanyang kwento:

"Share ko lang po kahit nakakahiya. Nagsimula kami ng misis ko dito sa maliit na barong-barong (6 sqm.) kulungan po ito ng baboy nilinis lang namin para may matirhan kami ng walang babayaran na renta dahil wala po kaming pera or ipon nun.

"Dito kami tumira ng 1 taon hanggang manganak yung misis ko. Isang gabe, madaling araw nun.. umulan ng malakas nasira yung bubong, bumagsak yung insulation na nilagay ko sa yero kasama ang tubig ulan at mga maliit na daga. Naglagay lang ako ng tolda sa bubong para di mabasa yung baby namin.




Nakakalungkot ang hirap pala mag pamilya ng di kayo handa. Kaya simula nun nangarap kami ng asawa ko na magkaroon ng mas maayos sa matutuluyan para sa anak namin.

"Sa loob ng 5 taon, namin pagsasama, nagtrabaho kami mabuti nag ipon at ito na nga, nagkaroon nadin kami ng sariling bahay simple at maliit lang pero sobrang thank you Lord dahil tinulungan nya kaming pamilya.

"Nung umpisa po nag work lang po ako sa pest control company ng pinsan ko. Habang ang misis ko po ay nasa bahay lang nag aalaga ng bata.




"Nagkaroon din ng work ang misis ko sa isang government agency pero pansamantala lang po wala pong contract anytime pwede syang tanggalin. Umabot po sya ng 10 months sa work nya 5k weekly po ang sahod nya at may nagbibigay din sakanya ng extra sahod dahil masipag po sya sa office work.

"Nakaipon po kami nun nagtipid po kami at kahit pandemic tuloy yung work namin. Hanggang mawala na sya sa work ako po tuloy parin sa trabaho ko pero may naipon napo kami 250k nun. Yung 50k po pinang down namin sa lupa 25 sqm. na binili ko lang po sa tita ko at yung 200k po pina umpisahan na namin sa pag gawa ng bahay.



"Kapag walang pasok sa work, ako po mismo ay gumagawa at nag ko construction sa bahay para di po magastos sa bayad ng labor. Pa unti-unti lang po, pag nag ka extra income tinatabe po namin at pag nakaipon saka po namin ulit ipapagawa. Bale halos 2 years po namin ito binuo."

No comments