Dimples Romana, Isinilang na si Baby Elio!



Ibinahagi ni Dimples Romana sa social media na nanganak na siya sa kanyang baby no. 3 na si Baby Elio. Sa kanyang caption,

"I spy with my little eye

"Hi, Elio SURPRISE

"I guess it's going to be a good goood weekend for the family."

Masayang masaya si Dimples sa larawan katabi ang kanilang bunso ni Boyet Ahmee.




Nitong Hunyo 17, ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana ang sonogram image ng kanyang bunsong anak na si baby Elio. Ipinost ito ng aktres sa kanyang instagram account. Makikita sa larawan na tila nakangiti si Baby Elio. Pabiro namang sinabi ni Dimples na sa kanya nagmana si Baby Elio dahil sa dimples nito. Hindi lamang isang dimple, kundi dalawa pa.

"#Elio SINO NGA ULIT NANAY MO?

"Not one.. but two?!??

"Counting down the weeks

"A very happy evening to you all from our bedimpled bunso," ani ni Dimples sa kanyang post.




Nitong nakaraang Marso lamang nang ihayag ng aktres na inaasahan na niya ang kanyang ikatlong anak. Nagpasya si Dimples at ang kanyang asawang si Boyet Ahmee na pangalanan ang kanilang ikatlong anak na Elio matapos humingi ng banal na patnubay upang magkaroon ng pangalang akma para sa kanilang anak.

No comments