Engineering Student, Bumagsak sa 10 Subject Noong College; Topnotcher Ngayong 2022 Board Exam!



Naniniwala si Yurice Winaya Pesigan na sa likod ng tagumpay ay marami munang kabiguan na pagdadaanan. Si Yurice, 23-anyos, ay tubong Calapan City, Oriental Mindoro. Nagsikap at hindi nagpatalo si Yurice sa mga balikad at kabiguan na kanyang naranasan. Nagkaroon kasi siya ng 10 failed subjects noong siya ay nasa kolehiyo.



Sa kabila nito ay hindi pa rin siya pinanghinaan at hindi siya sumuko bagkus ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maipasa ang mga nabagsak niyang subjects. Matapos nito ay kumuha siya ng board exam ngayong 2022 at hindi lamang niya basta naipasa kundi siya ay nag topnotcher.

Bukod pa rito, double-degree holder din itong si Yurice: Bachelor of Science in Civil Engineering at Bachelor of Science in Environmental and Sanitary Engineering.





"It was a long and tough journey, but it was worth the wait. I will forever be thankful to my parents for giving me this priceless yet most valuable gift, EDUCATION," ani ni Yurice sa kanyang facebook post.

Kaya sa lahat ng mga bagay na hindi magandang nangyari sa kanya ay proud niyang ibinahagi na isa siya sa mga topnotchers sa January-February 2022 Sanitary Engineer Licensure Exams. Si Yurice ay nagtapos sa Mapua University Manila. Siya ay Top 3 at nakakuha siya ng 83.30 percent average.




Matapos nito ay pinaghahandaan naman niya ngayon ang Civil Engineering Board Exam. "Hopefully po November this year, makapag-exam."

No comments