Herlene Budol sa Pagpanaw ng Kanyang Lola: "Ang bigat bigat sa dibdib"
Labis ang pagluluksa ni Herlene Nicole Budol a.k.a Hipon Girl dahil sa pagpanaw ng kanyang lola na nagpalaki at nag-aruga sa kanya. Malungkot na ibinalita ni Hipon ang pangyayari sa pamamagitan ng facebook post. Ayon kay Hipon, biwian ng buhay ang kanyang Nanay Bireng nitong Hunyo 6, bandang 9 ng umaga.
Malungkot din si Hipon dahil hindi na makakapood si Nanay Bireng sa Coronation Night niya. Sa isang post ay ipinahayag naman ni Herlene ang bigat na kanyang nararamdaman ng ibili niya ng damit ang Nanay Bireng niya sa huling pagkakataon.
"Ang bigat bigat sa dibdib," ani ni Herlene kasama ng crying emoji.
"Napaka bigat sa dibdib ko dahil eto na yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. indi ko na cya makasama sa tiktok at kulitan. ang sakit sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay. "
Isinapubliko rin ni Hipon kung saan ibinurol ang kanyang nanay Bireng para sa mga taong nais magpunta.
"Bukas po sa lahat ang gustong makiramay sa burol ng aking mabuting lola na si Nanay Bireng sa Symphaty Memorial Park and Columbarium Chapel of Sympathy Quezon Avenue Brgy. San Isidro Angono Rizal mula ngayon hanggang huwebes ng 11:30pm (open for all)
"Sa Biyernes na huling lamay ni Nanay Bireng. hiling ko lamang para lang po sa aking pamilya at mga malalapit na kaibigan lang po."

No comments