Isang Higanteng Buwaya, Nakitang Pakalat-kalat sa Kalsada ng Antipolo at Marikina!



VIRAL ngayon ang larawan ng isang higanteng buwaya na nahuli matapos makitang pakalat-kalat sa mga kalsada ng Antipolo at Marikina. Makikita sa larawan na sakay ng isang truck ang higanteng buwaya at nakatali ang bibig at katawan. Nakapiring din ang mga mata ng buwaya. Ayon sa ulat, tinatayang lagpas 20 feet ang haba ng naturang buwaya.



Mapapansin na pinagkakaguluhan ito ng mga tao ay kinukuhanan ng litrato habang sakay-sakay ng truck. Iba't-iba naman ang komento ng mga netizens at reaksyon nila tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang daming komento about literal na mga politikong buaya. opinion ko lng ito but keep watch braze yourself sa darating na lindol sa area, its a sign na nabulabog ang buwaya sa lugar nya for upcoming earthquake sana mali ako, keep watch "




"Kawawa namang buwaya yan, naging simbolo ng kurapsyon tapos nakatali pa. Dapat pinapakawalan na lang sila sa kanilang natural na tirahan! Kawawang hayop dahil sa kaperahan"




Narito ang kabuuang post na ibinahagi ng GMA Public Affairs:

"BUWAYA IN YOUR AREA?!

"Isang higanteng buwaya ang nakitang pakalat-kalat sa mga kalsada ng Antipolo at Marikina.

"Sakay ng isang truck, nakatali ang bibig at katawan ng buwaya at nakapiring ang mga mata nito. Tinatayang lagpas 20 feet ang haba nito."

No comments