Madam Inutz, Proud sa Kanyang Boyfriend na Isang Macho-Dancer!



Mabilis na nag-viral si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz dahil sa kakaiba nitong pamamaraan sa pagtitinda ng mga ukay-ukay sa liveselling. Hindi lamang dito natapos ang kanyang karera dahil nakapasok din siya sa PBB bilang Kummunity 10 housemate. Marami ang humuhusga sa boyfriend ngayon ni Madam Inutz.




Marami ang nagsasabing gagamitin lang siya ng kanyang boyfriend at peperahan siya nito. Inamin naman ni Madam Inutz sa publiko na isang macho-dancer ang kanyang boyfriend. Ngunit mariin niyang ipinagtatanggol ang boyfriend at sinabing hindi makatao ang mga paratang na ibinabato rito.

"Wala tayong karapatan," giit ni Madam Inutz.

Lahad niya, nagkakilala sila dahil nagtatrabaho ang lalaki sa club na pagmamay-ari ni Wilbert Tolentino, manager ni Madam Inutz. Sabi pa ni Madam Inutz, "Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganun karumi, is ganun klase ng trabaho, kumbaga , peperahan ka na."




Katuwiran pa ng TV personality, "Alam niyo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako. Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya. So, ganoon kamin ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity."

Wala raw masama sa kahit anong trabaho hangga’t walang inaapakang iba.

"Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala. Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan. At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya," saad niya.

Pinasinungalingan din ni Madam Inutz at ng boyfriend nito ang mga ibinabatong paratang sa kanila. Iginiit ni Madam Inutz na hindi siya nagpapagamit sa boyfriend. "Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity.

"Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit. Siguro naman nasa tamang edad na ako," pahayag niya.

Paglilinaw ni Madam Inutz sa estado ng kanilang relasyon, Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao. At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa."

Sinagot naman ni Tantan ang paratang na bading ito.

Sabi niya, "Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta. Lalaki ako. Straight 100 percent. Di naman ako nagi-guilty kasi hindi naman totoo."

Diin naman ni Madam Inutz sa panghuhusga sa kanila ng boyfriend: "Suporta ang kailangan ko, hindi panghuhusga."

No comments