Misis, Hiniwalayan ni Mister Dahil Puro Instant Noodles Lang Ang Ipinapakain sa Kanya!



Ang kasal ay simbolo ng pagmamahalan ng dalawang tao. Dito rin nangangako ng panghabang-buhay na pagmamahalan at kahit anuman ang maganda at pangit na mangyari ay mananatili pa rin sa isa't-isa. Ngunit sa panahon ngayon ay tila napakadali ng makipaghiwalay. Tila lahat ng pangako sa isa't-isa ay napako na at hindi na natupad.



Viral naman ngayon ang mag-asawa sa India matapos mauwi sa deborsyo ang kanilang pagsasama. Nagreklamo umano ang mister dahil walang ipinapakain sa kanya ang kanyang misis kundi puro instant noodles.

"It was noodles for breakfast, lunch and dinner. He complained that his wife went to the provision store and brought only instant noodles," ani ng Hukom.





Marami ang ginawang biro ang balitang ito ngunit kung iisipin ay nakakalungkot ito. Mababaw ang dahilan ng kanilang hiwalayan at maaaring mangyari din ito sa iba. Kadalasan pa sa mga nagdidibosyo ay mababaw na rin ang nagiging dahilan.



Kapwa nag desisyon ang dalawa na maghiwalay. Hindi na inilabas pa ng mag-asawa ang iba pang dahilan ng kanilang hiwalayan.

No comments