Nora Aunor, Lagi Umanong Nakaoxygen Dahil Nahihirapang Huminga!



Ayon kay Cristy Fermin, nahihirapan umanong makahinga ang beteranang aktres na si Nora Aunor. Ito umano ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Nora na tanggapin ang plake ng pagkilala bilang National Artist for Film noong June 16 na ginanap sa Malacaรฑang Palace. Ayon kasi sa ulat, hindi umano pinayagan ng doktor si Nora.




"Kaya nung nalaman ko na hindi siya nakakahinga nang maayos, lagi siyang naka-oxygen, hanggang sa dalhin na sa ospital at binabantayan na, parang ang lakas-lakas ng suntok sa puso ko talaga," emosyunal na kuwento ni Cristy sa kanyang programa na aminadong napaiyak nang malaman ang kalagayan ng iniidolo.

Ayon pa kay Cristy, excited ang award-winning actress na tanggapin ang pinakamataas na parangal sa kanya bilang alagad ng sining sa bansa kaya pinaghandaan din daw niya ito.




"May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya ito, sabi nga ng mga anak niya nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamataas na antas ng parangal sa kahit sinong artista," ani ni Cristy.

Dagdag pa niya, "Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating nung awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital."

3 comments:

  1. Get Well Soon Ate Guy๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ’–❤๐Ÿ’

    ReplyDelete
  2. Get well soon po

    ReplyDelete
  3. Get well soon my idol

    ReplyDelete